Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa, bumaba sa 27

56

Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa, bumaba sa 27

Inihayag ng City Health Office ng Muntinlupa na muling nabawasan ng tatlong bilang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Dahilan para bumaba ito ngayon sa 27 mula sa 30 noong nakaraang araw.


Nananatili ang Barangay Buli na may zero cases ng naturang sakit, na halos ilang araw ng walang naitatalang bagong kaso ng COVID-19.

Ang Barangay Sucat naman ang may pinakamaraming aktibong kaso na nasa 9.

Sa ngayon, umabot na ng 27,587 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.



26,981 dito ay gumaling na sa naturang sakit at 579 naman ang nasawi.

Facebook Comments