Unti-unti nang bumababa sa nakalipas na araw ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Parañaque.
Mula sa 119 noong isang araw, nasa 106 na lamang ngayon ang bilang ng active cases kung saan umabot naman sa 7,926 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Sa kabila nito, pumalo na sa 7,617 ang bilang ng mga residente ng Parañaque na nakakarekober sa virus.
Base pa sa datos ng Parañaque City Health Office and Parañaque City Epidemiology at Surveillance Unit (CESU), nananatili pa rin sa 203 ang bilang ng nasawi sa COVID-19.
Ang Barangay La Huerta mula sa 16 na barangay ang walang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 habang ang Barangay San Isidro naman ay mayroong 13 kaso.
Facebook Comments