Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasig, nadagdagan ng 28

Nakapagtala muli ang Pasig City Health Department ng 28 na bagong bilang na active cases sa nakalipas na 24 oras, dahilan para tumaas ang kabuuang bilang nito ngayong araw sa 672.

Tumaas din ang kabuuang bilang ngayon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod na umabot na sa 12,442, matapos naman madagdagan ito kagabi ng 135.

Mula sa nasabing bilang, 11,317 nito ay mga indibiduwal na mga gumaling na sa sakit na dala ng COVID-19.


Nadagdagan din ng dalawa ang bilang ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus, dahilan para tumaas ito sa 452.

Batay sa monitoring ng lungsod, ang dalawang indibidwal na positibo sa COVID-19 ang bagong nasawi ay mula sa Barangay Pinagbuhatan at Barangay Katipunan.

Facebook Comments