Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, bahagyang tumaas

Mula lima kahapon, umakyat sa 20 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service ngayong araw, nakapagtala sila ng 17 bagong kaso, mataas kung ikukumpara sa mga nakaraang linggo na nasa single digit lamang.

Nadagdagan naman ng 2 bagong gumaling sa COVID-19.


Habang umabot na sa 48,853 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa PNP mula nang magsimula ang pandemya.

Nitong Enero nang umabot sa mahigpit 4,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa pulisya dahil sa kaso ng Omicron variant.

Facebook Comments