BILANG NG AKTIBONG KASO SA LUNGSOD NG ILAGAN, HIGIT 20 NA LAMANG

Cauayan City, Isabela- Aabot na lamang sa dalawampu’t anim (26) ang natitirang bilang ng aktibong kaso sa Lungsod ng Ilagan.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH) Region 2, malaki ang ibinaba ng bilang ng positibong kaso sa Lungsod mula sa dating bilang na 400.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, Information Officer ng City of Ilagan, resulta aniya ito ng mahigpit na pagsasailalim sa lockdown sa ilang mga barangay sa Syudad na may mga naitalang mataas na positibong kaso.


Bagamat bumaba aniya ang bilang ng aktibong kaso sa Lungsod ay patuloy pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng City government sa health and safety protocols upang mapanatili ang mababang bilang ng positibong kaso at maiwasan ang hawaan o pagkalat ng nasabing sakit.

Ang Lungsod ng Ilagan ay nasa ‘Low Risk’ classification mula sa dating classification na ‘Critical’.

Facebook Comments