Umakyat na sa higit 500,000 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Rolly.
Sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF), sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, katumbas ito ng nasa dalawang milyong indibidwal sa 5,360 na barangay sa walong apektadong rehiyon.
Kinabibilangan ito ng National Capital Region (NCR), Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Eastern Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).
Nasa 59,420 family food packs at higit 4,000 bote ng tubig at non-food items ang naipamahagi sa mga apektadong pamilya.
Nakapaglaan na rin ang DSWD ng ₱52.4 million sa mga rehiyong apektado ng Bagyong Rolly.
Pagtitiyak ni Bautista kay Pangulong Rodrigo Duterte na naka-prepositioned na ang mga relief supplies para ito ay maipamahagi sa mga lugar na maaapektuhan ng Bagyong Ulysses lalo na ang Bicol Region partikular ang Catanduanes.