Bilang ng asymptomatic COVID-19 positive sa bansa, tumaas

Pumalo na sa 8.6 % ang mga COVID-19 positive sa bansa na walang nararamdamang sintomas ng virus.

Bumaba naman ang kaso ng mild patients sa 88.3 % habang 1.3% ang severe at 1.8% ang critical cases.

Sa ngayon, umaabot na sa 245,143 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 3,176.


55,614 naman ang active cases.

376 ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries ay 185,543.

70 naman ang binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 3,986.

Samantala, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy sa abroad na gumagaling sa COVID-19.

49 ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries ay 6,382.

Wala ring Pinoy na binawian ng buhay sa abroad kaya ang total deaths ay nananatili sa 763.

15 naman ang bagong kaso kaya ang total cases ngayon ay 10,151 kung saan ang active cases dito ay 3,006.

Facebook Comments