Bilang ng Baboy na ibinaon sa Bayombong, N.Vizcaya dahil sa ASF, 217 na

*Cauayan City, Isabela*- Umabot na sa kabuuang 217 ang mga alagang baboy na isinailalim sa depopulation ng Lokal na Pamahalaan ng Bayombong matapos magpositibo ang ilang baboy sa African Swine Fever.

Ayon kay Mayor Ralph Lantion, kinuryente ang nasabing bilang ng mga baboy mula sa 1-kilometer radius zone sa isang farm malapit sa barangay La Torre North na nagpositibo sa ASF.

Dagdag pa ng alkalde na nananatiling matumal pa rin ang bentahan sa pampublikong palengke dahil sa ASF.


Doble pa rin ang ginagawang paghihigpit ng local na pamahalaan sa anim (6) na checkpoint na inilatag ng mga awtoridad at iba pang volunteers.

Sa susunod na linggo ay inaasahang magbibigay na ng paunang tulong pinansyal ang LGU para sa mga apektadong hograisers gayundin ang Department oof Agriculture subalit apat (4) hanggang anim (6) na buwan mababayaran ang mga ito.

Facebook Comments