Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng mas mataas na bilang ng bagong gumaling sa COVID-19 ang Isabela kumpara sa naitalang panibagong kaso.
Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Marso 21, 2021, pitumpu’t siyam (79) na tinamaan ng COVID-19 ang bagong nakarekober sa virus na nagdadala ngayon sa 5,553 total recovered cases.
Mayroon namang animnapu (60) na bagong nagpositibo na naitala sa iba’t-ibang lugar sa probinsya gaya ng Echague (20); Cauayan City at Santiago City (8); Alicia at Cordon (5); City of Ilagan, Luna at San Isidro (2) at Cabagan, Cordon at Reina Mercedes (1).
Umaabot naman sa 833 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela mula sa 6,514 na kabuuang kaso.
Tumaas naman sa 128 ang bilang ng namatay na tinamaan ng COVID-19 sa probinsya.
Pinakamarami pa rin sa aktibong kaso ang Local Transmission na may 667; sumunod ang Health Workers na 122; dalawampu’t anim (26) na kasapi ng PNP; labing pito (17) na Locally Stranded Individuals (LSIs) at isang (1) Returning Overseas Filipino (ROF).