Bilang ng Bagong Kaso, Nakarekober sa COVID-19 sa Isabela, Halos Tabla na

12

Cauayan City, Isabela- Halos magkapareho ang bilang ng naitalang panibagong kaso at gumaling sa COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of 6:00am ngayong Lunes, July 26, 2021, dalawampu’t lima (25) ang naitalang bagong kinapitan ng virus at dalawampu’t anim (26) naman ang bagong gumaling sa nasabing sakit.


Bukod dito, mayroon din naitala ang probinsya na dalawang (2) karagdagang namatay sa COVID-19.

Sa ngayon, mayroon pang 570 na active cases ang Isabela mula sa naitalang 26,273 na total COVID-19 cases.

Mula sa kabuuang bilang ng COVID-19, 26,833 na rito ang fully recovered habang nasa 870 na ang namatay.

Facebook Comments