Bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy sa abroad, 12 lamang

Bumaba ngayong araw ang bilang ng mga Pilipino sa iba’t ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 12 lamang ang new cases ng COVID sa hanay ng mga Pinoy sa ibayong dagat at ito ay mula sa Amerika at Asia-Pacific region.

Tatlo naman ang panibagong gumaling habang 12 ang panibagong binawian ng buhay.


Bunga nito, umaabot na sa 6,140 na mga Pinoy mula sa 53 na mga bansa ang na-infect ng virus.

2,794 naman na mga Pinoy sa abroad ang patuloy na ginagamot dahil sa nasabing sakit kung saan ito ay nabawasan ng dalawa mula sa 2,796 kahapon.

2,851 naman ang kabuuang recoveries at 495 ang kabuuang binawian ng buhay.

Facebook Comments