Bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City, patuloy ang pagbaba ayon sa OCTA Research Group

Napanatili ng Quezon City ang tuloy-tuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Ayon sa OCTA Research, base sa datos noong October 4, 2020 ng Department of Health (DOH) at City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, bumagal ng 0.83 ang bilis ng paghawa o ang Reproduction Number (R0) ng Quezon City kumpara sa bilang ng buong bansa na 0.87.

Ayon sa OCTA, ang R0 na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa o magdulot ng bagong infection.


Sa ngayon, umabot na sa 4,000 ang testing capacity ng Quezon City kada araw.

Nananatiling 10% ang porsyento ng tao na na-test pero hindi nag-positive o positivity rate sa lungsod.

Ang case doubling time o ang bilis ng pagdoble ng kaso sa lungsod ay nasa 75 na araw.

Facebook Comments