Bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa Taguig City, umabot ng mahigit 100 sa loob lang ng isang araw

Kinumpirma ng Local Health Department ng lungsod ng Taguig na nakapagtala ito ng 103 na bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.

Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangay Ususan na may 16 at ito ang pinakamaraming bilang na naitala kahapon.

Sinundan ito ng Barangay ng Central Signal na may 13; Upper Bicutan, 11; at Hagonoy na may 10.


Ang Barangay Bambang, Central Bicutan at Western Bicutan ay mayroong tig-anim na bagong kaso ng COVID-19.

Tig-lima naman sa Baranagy Calzada-Tipas at New Lower Bicutan at ang Brgys. Bagumbayan, Ligid-Tipas at Pinagsama ay may tig-apat.

Tatlo sa Barangay San Miguel; tig-dalawa sa Barangay Palingon-Tipas at Fort Bonifacio.

Habang ang mga barangay ng Lower Bicutan, Sta. Ana, Tuktukan, Katuparan, North Signal at South Signal ay may tig-isang bagong kaso ng COVID-19.

Sa kabuuan, ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Taguig City ay nasa 2,712 na.

Kung saan 39 dito ay nasawi habang ang 2,395 naman ang recoveries.

Facebook Comments