Bilang ng bagong kaso ng Delta variant ngayong araw, nasa 466 na

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang naitala nilang panibagong 466 na kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

90 naman ang bilang ng bagong kaso ng Alpha variant gayundin ang 105 na bagong kaso ng Beta variant habang 41 naman ang naitalang bagong kaso ng P.3 variant.

Sa ngayon, ang kabuuang bilang ng kaso ng Delta variant sa bansa ay 1,273 habang ang kabuuang bilang naman ng kaso ng Alpha variant naman ay 2,322, at ang Beta variant ay may 2,588 total cases.


Pawang gumaling naman ang kabuuang kaso ng P.3 variant bagama’t may isa pang kasong nililinaw ngayon ang DOH patungkol dito.

Facebook Comments