Bilang ng bagyong papasok ngayong Hulyo, 2 hanggang 3

Aabot sa dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Hulyo.

Base sa climatological tracks na naitala sa kaparehas na panahon noong mga nakalipas na taon, ang mga bagyo ay madalas nagla-landfall sa bahagi ng southern at Central Luzon.

Nitong Hunyo, bagyong Dodong at Egay na ang pumasok sa PAR.


Ang mga susunod na bagyong papasok sa bansa ay papangalanang: Faclon; Goring; Hanna; Ineng; Jenny at Kabayan.

Facebook Comments