Umabot na sa 22,036 na bakanteng trabaho sa loob at labas ng bansa na maaaring applyan sa pagdiriwang ng Labor Day bukas, May 1.
Sa kabuuan, 16,268 dito ay lokal na trabaho habang 5,768 naman ay overseas, ayon kay DOLE Ilocos Region Director Exequiel Ronie Guzman sa Kapihan sa Bagong Pilipinas forum ng Philippine Information Agency.
Gaganapin umano ang job fair sa anim na lugar sa rehiyon: Robinsons Place San Nicolas, Ilocos Norte; Sta. Cruz Cultural Tourism and Trade Center, Ilocos Sur; Senator Alejo R. Mabanag Hall, La Union; Provincial Training and Development Center II sa Lingayen, Pangasinan; Robinsons Place Calasiao; at CB Mall, Urdaneta City.
Magkakaroon din ng one-stop-shop services mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mapagaan ang pagkuha ng kinakailangang requirements ng mga aplikante.
Hinihikayat naman ni Guzman ang mga LGU na hikayatin ang mga benepisyaryo ng 4Ps na lumahok sa job fair dahil sila ay kabilang sa mga prayoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments