Sapat na ang suplay ng bakuna sa bansa para magamit bilang booster shots sa inisyal na target na mabibigyan nito bago matapos ang 2021.
Sinabi ito ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Teodoro Herbosa kasabay ng pagsalubong sa 609,570 doses ng biniling Pfizer COVID-19 vaccines na dumating sa bansa kahapon.
Ayon kay Herbosa, nasa 1.9 milyon lamang ang bilang ng mga healthcare worker sa bansa na unang mabibigyan ng booster shots.
Sobra pa ito sa 50 million bakunang nasa pangangalaga ng gobyerno.
Nabatid na sa kabuuang 30,108,097 indibidwal na nabakunahan sa bansa, nasa 6,000 medical frontliners pa lamang ang nakatanggap ng ikatlong shots, tatlong araw nang unang simulan ang programa.
Sa ngayon, nasa 133 million doses na ng COVID-19 vaccines ang hawak ng gobyerno kasunod ng patuloy na pagdating ng mga bakuna.