Nakapagturok ang pamahalaan ng mahigit 2.3 milyong doses ng bakuna sa ikalawang bugso ng Bayanihan Bakunahan ayon sa Department of Health (DOH).
Ito ay kinumpirma ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje kung saan 2,369,216 doses ang nabigay sa mga Pilipino mula Disyembre 15 hanggang 17.
Ayon kay Cabotaje, sa naturang bilang, 1.65 milyong doses dito ang naiturok noong unang araw habang 759,028 doses noong Disyembre 16 at 544,539 noong Disyembre 17.
Nabatid naman na sinuspinde ang bakunahan sa 11 rehiyon bunsod ng pananalasa ng Bagyong Odette.
Facebook Comments