Pumalo na sa higit siyam na milyong bakuna ng COVID-19 ang naibigay at naiturok sa mga residente sa rehiyon uno base sa pinakahuling datos ng Department of Health – Center for Health Development Region 1.
As of December 9, 2022, naitala ng DOH-CHD1 ang kabuuang bilang na 9, 271, 331 na bakuna ang naiturok na sa mga residente sa rehiyon.
Ayon pa sa datos ng ahensya, 3, 856, 399 na indibidwal ang itinuturing na fully vaccinated, 4, 083, 726 naman na indibidwal ang partially vaccinated o nakakuha pa lamang ng unang dose ng bakuna.
Samantala, nasa 1, 469, 099 pa lamang na indibidwal ang nakapagbakuna ng unang dose ng booster shot kung saan nasa 298, 294 pa lamang ang nakapagpa-bakuna ng second booster shot.
Ang datos na ito dahil sa tuloy-tuloy na pagbabakuna ng ahensya sa iba’t ibat lugar sa rehiyon upang mabigyan ang lahat ng residente ng panlaban sa sakit na COVID-19.
Paalala ng awtoridad na maiging kumuha ng bakuna upang maging protektado sa naturang sakit na COVID-19. | ifmnews
Facebook Comments