Patuloy na nadagdagan ang bilang ng mga Internally Displaced Person o IDPs bunga ng bakbakan sa pagitan ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter(BIFF) sa Maguindanao .Sa ngayon ay umaabot sa 572 ang bilang ng mga IDPs na nanunuluyan sa mga evacuation center sa bayan lamang ng Datu Saudi Maguindanao na posible pang madagdagan. Nagsimula ang bakbakan ng dalawang grupo noong Huwebes ng madaling araw. Ss ulat ng Lgu ng Datu Saudi 39 sa mga bakwit ang nakatira ngayon sa Kitango Elementary School , 28 naman sa Madrasah Darussalam sa Brgy. Kitango na nagmula sa mga Brgy. Pikeg, Shariff Saydona Mustapha.
Abot naman 63 IDPs ang nasa Mahad Dineh at 442 IDPs ang nasa Markaz Hambal na mula sa Sitio Tatapan, Brgy. Kitango Datu Saudi.
Meron ding naitala sa ibang kalapit bayan tinatayang , nasa 163 IDPs mula sa Brgy. Malangog, sa bayan ng Datu Unsay Datu Unsay; 145 mula sa Pikeg, Shariff Saydona Mustapha at 123 naman ang nasa Bagong, Shariff Aguak. Ang 572 na mga bagong IDPs ay dagdag pa sa 1, 827 IDPs na una ng nagsilikas bunsod ng mga nakaraang labanan sa kanilang lugar. Sa pinakahuling report ng militar , umaabot na sa 23 ang napaslang na miembro ng BIFF habang mahigit 20 naman ang nasugatan mula ng sumiklab ang sagupaan sa Brgy. Lower Salbu, Datu Saudi Ampatuan. Gumamit ang militar ng MG 5320 attack helicopter at isang AW109 Augusta combat chopper sa inilunsad nilang operasyon laban sa mga rrebelde.(Amer Sinsuat)
Bilang ng bakwit sa Magundanao dahil sa giyera lumobo
Facebook Comments