Bilang ng balikbayan boxes na dumarating sa bansa ngayon taon, bumaba

52

Bumaba nang halos 30 porsiyento ang bilang ng mga balikbayan box na dumating ngayong taon sa bansa.

Ito ay dahil na rin sa pahirapang pagpapadala ng mga package habang may COVID-19 pandemic.

Ayon sa Bureau of Customs, may mga limitasyon sa sektor ng transportasyon at logistics na dahilan sa pagbaba ng mga ipinapadalang balikbayan box.

Sa datos sa mga nakaraang taon, nagsimula ang pagdagsa ng mga balikbayan box ng Oktubre hanggang kalagitnaan ng Disyembre.

Facebook Comments