Nasa 30% o katumbas na lang ng 13,000 na barangay sa buong bansa ang nananatiling hindi nalilinis sa iligal na droga.
Ito ang inanunsyo ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Vilanueva matapos na wasakin ang ₱900 milyon na halaga ng mga kemikal na sangkap at mga gamit sa paggawa ng ipinagbabawal na gamot sa Green Planet Management Inc., Brgy. Punturin, Valenzuela City.
Aniya, malaking tulong ang activation ng Barangay Drug Abuse Councils sa pagkamit sa drug free barangay campaign.
Kumpiyansa ang PDEA na makakamit ang target na malinis ang mga barangay sa droga bago magtapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022.
Facebook Comments