Tumaas ng 82% ang bilang ng mga barangay na apektado ng African Swine Fever (ASF).
Sa datos ng Bureau of Animal Industry (BAI) as of August 21, 458 na barangay na sa 32 probinsya ang may kaso ng ASF.
Kumpara ito sa 251 barangay lamang noong August 8.
Pinakamarami sa mga apektado ay sa Batangas, Occidental Mindoro, at North Cotabato.
Sinabi naman ni Agriculture Assistant Secretary for Poultry and Swine Dante Palabrica na inaasahan ang pagtaas ng bilang dahil sa mga pag-ulan na maaaring magresulta sa pagkalat ng sakit.
May mga baboy kasi na nabungkal sa pagkakalibing dulot ng malalakas na pag-ulan at umabot ito sa ibang lugar na walang kaso ng ASF.
Facebook Comments