Umakyat na sa 142 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paggamit ng boga at iba’t ibang paputok sa Region 1, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).
Bagamat hindi pa sumasapit ang pagsalubong sa Bagong Taon, umabot na sa daan ang mga biktima ng mga improvised na pampaingay at ipinagbabawal na paputok, na lubos na ikinababahala ng ahensya.
Sa tala ng DOH, karamihan sa mga insidente ay dulot ng boga, habang 31 kaso naman ang naitalang may kaugnayan sa fireworks-related injury (FWRI) mula Disyembre 21 hanggang 25.
Patuloy na nagpaalala ang DOH sa publiko, lalo na sa mga kabataan, ukol sa panganib ng paggamit ng boga at paputok. Ayon sa batas, mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa, pagbebenta, at paggamit ng mga improvised firecracker at ilegal na paputok, na may kaakibat na parusa para sa mga lumalabag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨