Umakyat na sa pitumpu’t walo ang kabuuang kaso ng firework-related injuries (FWRI) na naitala sa rehiyon mula December 21 hanggang alas-5 ng hapon ng December 31, 2025, ayon sa datos ng Department of Health (DOH).
Batay sa ulat, may karagdagang 16 kaso na naitala noon lamang December 31, 2025, dahilan upang tumaas ang bilang kumpara noong nakaraang taon.
Ang kasalukuyang datos ay 2.6 percent mas mataas kumpara sa 76 kaso na naitala sa parehong petsa noong 2024.
Ayon sa DOH, ang pangunahing sanhi ng mga pinsala ay ang paggamit ng walang label na paputok, partikular ang Five Star, Kwitis, at Boga.
Pinakamarami sa mga apektado ang mga batang may edad 5 hanggang 9 taong gulang at 10 hanggang 14 taong gulang, na bumubuo sa 24 percent ng kabuuang bilang, at karamihan sa mga ito ay kalalakihan.
Muling paalala ng DOH sa publiko na umiwas sa paggamit ng paputok at sa halip ay gumamit ng ligtas na alternatibo upang maiwasan ang mga aksidenteng maaaring magdulot ng pinsala o kapahamakan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










