BILANG NG BIKTIMA NG PAPUTOK SA PANGASINAN, LAMPAS ISANG DAAN NA

Umabot na sa 112 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok sa lalawigan ng Pangasinan nitong nagdaang Holiday Season, ayon sa pinakahuling ulat ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) nitong Enero 3, 2025.

Pinakamarami ang naitalang kaso mula sa paggamit ng kwitis, na umabot sa 24 ang bilang ng mga biktima. Sinundan ito ng boga na may 19 nasugatan, habang 16 naman ang nabiktima ng five star. Mula sa kabuuang bilang, 111 ang nasugatan, at isang biktima mula sa Dagupan City ang nasawi.

Bagamat mataas pa rin ang bilang ng mga biktima, mas mababa ito kumpara sa 148 kaso na naitala noong nakaraang taon.

Samantala, Ngayong araw na lamang magtatagal ang code White Alert status ng ng mga ospital sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments