Nadagdagan pa ang bilang ng mga biktima ng paputok sa lalawigan ng Pangasinan nitong nagdaang Bagong Taon.
Sa tala ng Pangasinan Provincial Health Office hanggang nitong January 6, 2025, umakyat pa ang mga biktima ng paputok sa 128.
Tumaas ang biktima ng kwitis sa 31, na itong pinaka nanguna rin sa listahan. Sinundan ng boga na may 24, five star 17; bawang, 10; whistle bomb, 8; crying cow, 7; baby rocket at pla-pla sa 6.
Kadalasang napuruhan sa mga biktima ang kamay na naitala sa 49 biktima, at 33 naman sa nagtamo ng eye injury.
Samantala, bagamat mas mataas ang naitalang bilang ng FWRI noong nakaraang taon sa parehong panahon na may 163, ay hindi pa rin aalisin ang mahigpit na pagpapaalala na hangga’t maaari ay huwag na gumamit ng mga paputok sa mga susunod pang taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨