Bilang ng bumisita sa Bagbag Public Cemetery kahapon, umabot sa mahigit 78,000; mas mababa kumpara noong nakaraang taon

Umabot sa 78,551 ang bilang ng mga nagpunta dito sa Bagbag Public Cemetery kahapon, November 1 bilang paggunita sa araw ng Undas.

Ayon sa security official ng sementeryo, mas mababa ang naitalang bilang bunsod ng biglang buhos ng ulan tanghali kahapon.

Noong nakaraang taon kasi, nasa mahigit 112,000 ang nagtungo sa naturang sementeryo kahit na natapat pa ito ng Biyernes.

Samantala, posibleng pumalo sa pareho o mas higit pa ang maitatalang bilang ng taong bibisita sa kanilang yumaong mahal sa buhay ngayong araw kumpara kahapon.

Dahil sa mga oras na ito ay unti-unti muling kumakapal ang volume ng tao sa loob at labas ng sementeryo.

Kung saan as of 8:00 a.m., umabot sa mahigit walong libong indibidwal ang nagtungo dito sa Bagbag Public Cemetery ngayong Araw ng Kaluluwa.

Kaugnay nito, marami pa rin ang nakukumpiskang mga ipinagbabawal nangamit tulad ng flammable items gaya ng sigarilyo, lighter, at posporo kung saan umabot ito sa mahigit 70 kabuuang bilang.

May ilan ring isinurrender na mga pintura at panlinis sa mga security personnel kung saan nilagyan ito ng number upang maaari naman itong balikan.

Facebook Comments