
Umabot sa 35,000 na katao ang bumisita rito sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Quezon City kahapon, November 1 ayon sa pamunuan ng sementeryo.
Kung saan 3,000 sa mga ito ay piniling magpalipas ng magdamag.
Ayon kay Parks Operations Manager Engineer Mike Abiog, bahagyang mababa ito sa kanilang inaasahang crowd estimation na 40,000 hanggang 60,000 na indibidwal dahil nakaapekto ang biglaang pagbuhos ng ulan.
Dadag pa niya na kaniya ring inaasahan na dadagsa pa rin ang mga tao ngayong araw pero hindi kasing rami gaya kahapon.
Sa katunayan, as of 12:00 p.m., nasa humigit kumulang 10,000 katao na ang nagtungo sa Himlayang Pilipino.
Wala namang napaulat na kahit anong untoward incidents sa loob at labas ng sementeryo kahapon.
Habang may ilang mga indibidwal na kinailangan ng atensyong medikal matapos na ilan sa kanila ay nadudulas sa mga ilang bahagi ng sementeryo.
Paalala ng pamunuan na hanggang November 1 lamang pinapayagan na mag-overnight ang mga bibisita kung saan ngayong araw ay magsasara ng 6:00 p.m. ang naturang sementeryo.









