BILANG NG BYABYAHENG BUS NGAYONG HOLIDAY SEASON SA REGION 1, SAPAT

Siniguro ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board o LTFRB Region 1 ang sapat na bilang ng mga babyaheng bus ngayong holiday.

Sa isang panayam kay LTFRB Region1 Director Atty. Annabel Nullar, 60 special permits ang ipinagkaloob nito upang masiguro na may masasakyan ang mga byahero.

Aniya, pang backup lamang umano ito dahil kung tutuusin ay marami pa umano ang mga inter-regional bus mula Maynila.

Samantala, inaasahan naman sa mga terminal sa Dagupan City ang pagdagsa ngayong weekend na inaasahang papalo sa limang libo.

Gayunpaman, siniguro rin ng mga bus companies ang sapat na bilang ng drivers at konduktor upang masiguro na may sapat silang pahinga.

Ilang mananakay naman ang nag-advance booking na upang makaiwas sa dagsa ng mga bibiyahe ngayong kapaskuhan at bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments