Na-obserbahan din ang pagtaas ng bilang ng Chinese Maritime Militia Vessels (CMMV) sa Iroquois Reef o Rozul Reef.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), mula sa 2 CMMV noong August 13 hanggang August 19 ay lumobo pa ang bilang sa 17 noong August 20 hanggang August 26.
Bukod pa ito sa na-monitor na halos nag-triple na bilang ng mga barko ng China sa Escoda o Sabina Shoal.
Kamakailan lang nang mamataan ang nakapalibot na Chinese vessels sa Iroquois Reef habang namamahagi ng ayuda ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessel sa mga mangingisda.
Nauna na rin nabahala ang pamahalaan sa mga sira-sirang bahura sa Iroquois Reef na dulot ng pinaghihinalaang massive harvesting.
Samantala sa kabuuan, nasa 163 Chinese vessels ang na-monitor ng AFP sa mga islang sakop ng bansa mas mataas sa 129 sa nabanggit na panahon.