Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na umabot sa 161,664 ang international passengers na dumating sa bansa nitong Christmas weekend.
Ayon sa BI, halos 81% ng mga pasahero ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 1 at 3.
Habang 130,497 na mga pasahero naman ang lumabas ng bansa nitong December 23 hanggang 25.
Bago ang pandemic ay nakapagtala ang BI ng 55,000 lamang na daily arrivals December.
Habang ang average na 47,000 departures naman ang naitala noong December 2019.
Facebook Comments