Bilang ng Coastal waters na may red tide, nadagdagan pa ayon sa BFAR

Nadagdagan na naman ang bilang ng mga coastal water sa bansa na naapektuhan ng red tide toxin.

 

Base sa pinakahuling monitoring ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, apektado na ngayon ng red tide toxin ang Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental at mga coastal waters ng Santa Maria sa  Davao Occidental.

 

Pinaalalahanan ng BFAR at Local Government Units ang publiko na iwasan muna ang paghango, pagbenta at pagkain ng mga lamang dagat na nakukuha sa nabanggit na karagatan.


 

Bukod dito hindi pa rin naaalis ang kontaminasyon ng red tide sa iba pang Coastal waters kabilang ang  San Pedro Bay sa  Western Samar; Lianga Bay sa  Surigao del Sur; at coastal waters ng  Dauis at Tagbilaran City sa  Bohol .

 

May katagalan na ring panahon na nagiging positibo sa  paralytic shellfish poison na higit sa regulatory limit ang mga karagatan.

Facebook Comments