Cauayan City, Isabela- Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng minimum health protocols kontra COVID-19 ng mga alagad ng batas at ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela, lalo pang tumaas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa probinsya.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) 2, tumaas sa 1,697 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya matapos madagdagan ng 110 na bagong kaso.
Mayroon namang 95 na bagong gumaling sa sakit na nagdadala sa kabuuang bilang na 22,544.
Umaabot naman sa 760 ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 kabilang na ang apat (4) na naitalang bagong COVID-19 related deaths.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 25, 001 na total cumulative cases ng COVID-19 ang Isabela.
Facebook Comments