Cauayan City, Isabela- Dumami ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela dahil sa patuloy na pagkakatala ng mga bagong positibo sa sakit.
As of October 11, 2020, muling nakapagtala ng labing lima (15) na panibagong kaso ng COVID-19 ang Isabela kung saan isa (1) ang naiulat sa bayan ng Alicia, dalawa (2) sa Angadanan, siyam (9) sa City of Ilagan, dalawa (2) sa Cauayan City at isa (1) sa Naguilian.
Dahil dito, umakyat sa 226 ang total active cases ng COVID-19 sa Isabela mula sa total cases na 834.
Ayon pa sa datos ng DOH 2, ang mga lugar na nakapagtala ng Local Transmission sa Isabela ay kinabibilangan ng City of Ilagan na may naitalang 122 linked cases; sampu (10) sa San Manuel; tatlumpu’t dalawa (32) sa Gamu at dalawampu’t anim (26) sa Santiago City.
Maituturing na may local transmission sa isang lugar kung nagkaroon ito ng positibong kaso ng COVID-19 na walang naging history of travel o kasaysayan ng paglalakbay sa mga lugar na infected ng virus.