Umakyat na sa 846 ang kabuuang bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong.
Ito’y matapos na makapagtala ang Local Health Department ng lungsod ng 68 bagong kaso.
Dahil dito, umabot na ng 2,647 ang kabuuang COVID-19 cases sa Mandaluyong kung saan 1,597 sa kanila ay gumaling na.
Nadagdagan naman ng apat ang bilang ng nasawi na ngayon ay aabot na sa 104.
Mahigit 1,100 ang kabuuang bilang ng suspected cases habang 145 ang probable COVID-19 cases sa lungsod.
Facebook Comments