Bilang ng COVID-19 active cases sa Marikina City, patuloy pa rin ang pagtaas

Patuloy pa rin ang pag-akayat ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Batay sa kanilang tala, noong August 16 ay nasa 496 lang ang bilang ng active cases sa lungsod.

Pero tumaas ito sa 700, base sa pinakahuling tala ng lungsod noon August 27 ngayong taon.


Inihayag naman ni Marikina Mayor Macy Teodoro na patuloy namang nagpapagaling sa mga quarantine facility ng lungsod ang mga indibidwal na kabilang sa aktibong kaso ng nasabing sakit.

Tuloy-tuloy rin aniya ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga bagong infected ng COVID-19.

Samantala, ang Marikina ay meron ng 18,422 na mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, kung saan 17,237 nito ay recoveries at 485 naman ang nasawi.

Facebook Comments