Bilang ng COVID-19 case sa bansa, halos 9,500 na; NCR, nangunguna pa din sa pinakamadaming naitatalang kaso

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 262 panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umabot na sa 9,485 ang COVID-19 case.

16 ang dumagdag sa mga nasawi na umakyat na sa 623.


Nadagdagan naman ng 101 ang mga gumaling na nasa 1,315 na.

Nabatid sa mga bagong COVID-19 cases, pinakamadaming naitala sa National Capital Region (NCR) na may 122 o 47 percent, sinundan ng Region 7 na may 88 o 33 percent habang 52 o 20 percent sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Facebook Comments