Bilang ng COVID-19 cases sa bansa, 8,488 na; 25 sanggol, naitalang tinamaan din ng sakit

Patuloy pa rin ang paglobo ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagtala sila ng 276 panibagong kaso sa sakit na pumalo na sa 8,488.

Nasa 10 naman ang dumagdag sa mga nasawi na umakyat na sa 568.


Habang 20 pasyente naman ang gumaling kung saan naitala ang 1,043 recoveries.

Facebook Comments