Lampas isandaang-libo na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ay makaraang makapagtala ng record-high 5,032 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.
Sa nasabing bilang, 2,737 ay naitala sa NCR; 463 sa Cavite; 449 sa Cebu; 326 sa Laguna at 201 sa Rizal.
Sa kabuuan, aabot na sa 103,185 ang COVID-19 cases sa bansa kung saan 35,569 dito ang active cases.
Samantala, umabot na sa 65,557 ang kabuuang bilang ng naka-recover matapos madagdagan ng 301 new recoveries.
Habang nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 20 bagong bilang ng nasawi dahilan para sumampa sa 2,059 ang total reported deaths.
Paliwanag ng DOH, 70% o 14 sa kanila ay nasawi noong Hulyo; 15% o tatlo noong Hunyo at tatlo rin noong Mayo.
Pinakamarami sa bagong bilang ng nasawi ay naitala sa Central Visayas.