Pumalo na sa 10,004 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagtala ang kagawaran ng 320 panibagong kaso ng COVID-19.
21 ang daidagdag sa mga nasawi na umabot na sa 658.
Nadagdagan naman ng 98 ang mga gumaling sa sakit na nasa 1,506 na.
Pinakamarami pa ring naitatalang kaso ay sa National Capital Region (NCR) na may 179 o 56 percent, sinundan ng Region-7 na may 98 o 31 percent cases at 45 o 13 percent mula naman sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Facebook Comments