Bilang ng COVID-19 cases sa bansa, mahigit 11,000 na; National Capital Region, nangunguna pa rin sa may pinakamadaming naitatalang positibo sa sakit

Pumalo na sa mahigit 11,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umakyat na sa 11,086 matapos maitala ang 292 panibagong kaso.

Pito naman ang dumagdag sa mga nasawi na ngayon ay nasa 726 na.


Habang umabot naman sa 1,999 ang bilang ng mga gumagaling sa sakit na nadagdagan pa ng 75 new recoveries.

Pinakamadaming naitalang nagpositibo sa National Capital Region (NCR) na may 162 o 56% new cases, sinundan ng Region 7 na may 74 o 25% at 56 o 19% sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Facebook Comments