Bilang ng COVID-19 cases sa bansa, mahigit 22,000 na

Pumalo na sa 22,474 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naitala ngayong araw ang 579 na panibagong kaso.

331 rito ay fresh cases habang 248 ang late cases.


Walo naman ang nadagdag sa mga nasawi na umakyat na sa 1,011.

Umabot naman sa 4,637 ang mga gumaling na sa COVID-19 matapos madagdagan ng 107 new recoveries.

Samantala, sumampa na sa 5,405 ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Isa naman ang nadagdag sa mga nasawi na mayroong ng kabuuang 371 habang nananatili sa 2,231 ang mga gumaling na sa virus.

Facebook Comments