Bilang ng COVID-19 cases sa bansa, mahigit 31,000 na; 1,150 record high ng mga nagpositibo sa virus, naitala ngayong araw

Pumalo na 31,825 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay matapos maitala ngayong araw ang 1,150 record high na panibagong mga kaso.

789 rito ay mga fresh cases habang 361 ay late cases.


Siyam (9) naman ang nadagdag sa mga nasawi na umabot na sa 1,186.

Habang 299 na pasyente ang naitalang nakarekober sa sakit na may kabuuang 8,442 recoveries.

Samantala, sumampa pa sa 8,324 ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Nasa 5,057 naman ang mga gumaling na nakakahawang sakit habang 508 ang nasawi sa virus.

Facebook Comments