Bilang ng COVID-19 cases sa bansa, mahigit 85,000 na

46

Pumalo na sa 85,486 ang bilang ng Coronavirus Disease (COVID-19) cases sa Pilipinas matapos madagdagan ng 1,874.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa 56,528 na aktibong mga kaso, 90.1 percent ang may mild condition, 9.0 ang asymptomatic, 0.5 percent ang severe at 0.4 percent ang critical.


Nadagdagan ng 388 ang mga pasyenteng gumaling na sumampa na sa 26,996 recoveries.

16 naman ang naitalang nasawi na umabot na sa 1,962.

Samantala, 87 na bagong kaso ang nadagdag sa mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 9,392 overseas Filipino ang nagpositibo sa virus, 5,461 ang mga nakarekober habang 666 ang mga nasawi.



Facebook Comments