Bilang ng COVID-19 cases sa bansa, nasa 30,682 na; mga health workers na tinamaan din ng virus, nadagdagan pa

Umakyat pa sa 30,682 ang bilang ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay matapos maitala ang 630 na panibagong mga kaso.

467 rito ay ang fresh cases habang 163 ang late cases.


Nakapagtala naman ng 250 na gumaling sa sakit na umabot na sa 8,143.

Habang walo (8) ang nadagdag sa mga nasawi na may kabuuang 1,177.

Pumalo naman sa 3,122 na mga health workers ang tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng 253 na bagong kaso.

Nasa 396 rito ay mga recoveries habang nananatili sa 33 ang mga health workers na nasawi.

Samantala, sumampa na sa 8,301 ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan rin ng nakakahawang sakit.

5,055 rito ang mga gumaling na habang 506 ang nasawi sa virus.

Facebook Comments