Pumalo na sa ang 2,084 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, dumagdag sa bilang ang 538 kaso. Umabot naman sa 88 ang mga nasawi mula sa 78 na naitala kahapon.
Nadagdagan naman ng pito ang mga gumaling sa COVID-19 na ngayon ay nasa 49 na.
Samantala, kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na pitong pulis na ang nagpositibo sa COVID-19.
Aniya, hanggang kahapon (March 30) apat na mga pulis ang nadagdag sa mga nagpositibo sa COVID-19 na kapwa nakatalaga sa Metro Manila.
Kinabibilangan ito ng tatlong lalaking pulis na may mga edad 53 anyos, 52 anyos at 46 anyos, at isang babaeng pulis na 47 anyos.
Facebook Comments