Bilang ng COVID-19 cases sa lungsod ng Makati, nasa mahigit 9,800 na

Pumalo na sa 9,829 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati.

Batay sa pinakabagong tala ng Health Department ng lungsod, 9,072 dito ay mga gumaling na sa naturang sakit habang nananatili sa 367 ang bilang ng mga nasawi.

Nasa 390 naman ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod na patuloy na nagpapagaling sa mga quarantine facility ng lungsod.


Dahil dito, pinapayuhan ng pamahalaang lungsod ng Makati na huwag muna lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan upang maging ligtas laban sa banta ng virus.

Facebook Comments