Bilang ng COVID-19 cases sa Lungsod ng Makati, nasa mahigit 9,900 na

Pumalo na sa 9,980 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Makati ngayong umaga.

Ito ay batay sa pinakabagong tala ng health department ng lungsod.

Mula sa nasabing bilang, 9,242 dito ay mga gumaling na sa naturang sakit.


Nananatili sa 371 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod ng dahil sa virus.

Habang ang 367 naman ay bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod, na patuloy na nagpapagaling sa mga quarantine facility ng lungsod.

Kaya naman payo ng Pamahalaang Lungsod ng Makati na huwag muna lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan upang maging ligtas laban sa banta ng virus.

Facebook Comments