Bilang ng COVID-19 cases sa Mandaluyong City, nasa mahigit 5,800 na

Tumaas muli ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVD-19 sa lungsod ng Mandaluyong ngayong umaga.

Batay sa tala ng Health Department ng lungsod, umabot na ng 5,857 na mga iindibiduwal ang tinamaan ng naturang sakit, matapos madagdagan ito ng 19 sa nakalipas na 24 oras.

Mula sa nasabing bilang, 5,555 nito ay bilang naman ng mga gumaling na sa naturang sakit, matapos naman makapagtala 12 new recoveries.


Nananatili sa 174 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lungsod ng dahil sa virus.

Habang ang 128 ay bilang naman ng mga indibiduwal na kabilang sa active cases na patuloy nagpapagaling sa mga quarantine faccility ng lungsod.

Ang Barangay Highway Hills ang may pinakamaraming bilang ng active cases sa lahat ng barangay ng lungsod na mayroong 23 aktibong kaso.

Facebook Comments